…wala lang…

June 18th, 2008

Paano ko ba ito sisimulan… Ang hirap ng pakiramdam ng nag-iisa… walang makausap… halos pakiramdam mo ikaw na lang ang tao sa mundong ibabaw… pero alam mo at nararamdaman mo na marami naman tao sa paligid mo… pero bakit ganun… kahit anung pilit mong kalimutan at iwasan ang isang bagay na alam mong nakakasakit sayo eh hindi mo magawa… bakit kahit alam mong talo ka at wala kang laban pilit mo pa rin sinasaktan ang sarili mo… bakit kahit anung pilit mong maging masaya eh hindi mo magawa… bakit kapag gusto mong may kausap eh hindi mo nman magawang sabihin ang nasa loob mo… natatakot ka dahil hindi mo alam kung ano ang magiging reaksyon nila sa gusto mo sabihin… natatakot ka na mahusgahan ang pagkatao mo… natatakot ka na baka kapag nalaman nila ang nangyayari sau eh layuan  ka nila at hindi ka nila maintindihan…

Akala siguro nila, kapag nakikita nilang tumatawa ka eh masaya ka at walang problema… akala nila na sa tuwing nagpapatawa ka eh wala kang nararamdamang kalungkutan… akala siguro nila na dahil hindi ka nila nakikitang umiyak ay strong ka na… lahat sila yun ang akala sayo… matapang, lahat kinakaya… pero anmg hindi nila alam… sa likod ng mga pagtawa mo… sa likod ng mga ngiti mo… sa likod ng mga pagpapatawa mo… ay umiiyak ang puso mo… na nakakaramdaman ka rin ng takot… na nalulungkot ka rin…. na gusto mo ng sumuko… na gusto mo ng bumigay… dahil hindi mo na kaya… dahil napapagod ka din…

Minsan maiisip mo na lang, na sana bumalik ka na lang sa pagiging bata… walang pinoproblema… walang iniisip… hindi makakaramdam ng sakit… matakot ka man, alam mong may pwedeng kumalinga sau at handang alisin ang takot sa dibdib mo… yun dati na, maglalaro ka lang habang nagpapa-ulan… tapos uuwi at kakain na lang ng meryenda na ginawa ng nanay mo… ang  sarap alalahanin ang nakaraan nung ikaw ay bata pa… pag gising mo sa umaga may nkahanda ng gatas at almusal sa lamesa nyo… kakain ka na lang… at pagkatapos ay manonood ng telebisyon at makikipaglaro sa labas ng bahay… at pag napagod, uuwe ulet, magmemeryenda, maglalaro ulet… di mo namamalayan tapos na naman ang maghapon… sana ganun lang kadali ang buhay ngaun… simple pero masaya… hindi komplikado…

Pero hindi mo na maaaring ibalik ang nakaraan… kung kaya kelanagan mong harapin ang komplikadong buhay na meron ka ngaun… harapin ang lahat ng responsibilidad na nasa balikat mo… harapin ang mundo mo ngaun na malayo sa pamilya mo… harapin ang hirap ng buhay para sa mga taong umaasa sayo… harapin ang katotohanan na kahit alam mong masasaktan ka lang patuloy ka pa ring nagmamahal… ganyan siguro talaga ang buhay… hindi mawawala ang mga pagsubok… nakahit anung pilit mong iwasan ang problema… pilit pa rin itong humahabol sau… na kahit anung iwas among magmahal at masaktan muli… pilit pa rin itong nagsusumiksik sa puso mo… ewan ko ba… nasa sistema na ata ng buhay ng isang tao ang lahat ng ito… kailan kaya magkakaroon ng medisina para maiwasan ang mga ganitong bagay… parang sa sakit di ba… para makaiwas sa mga karamdaman may maga bitamina tayo na pedeng inumin… sana ganun din ang buhay naten… para makaiwas sa mga problema at pasakit meron ding mga medisina na pedeng inumin na lang… para lahat tayo ay maging masaya na lng… para hindi na tayo nahihirapan… para hindi na tayo nasasaktan…

Hanggang ilusyon na lang siguro ang lahat… hindi na talaga naten maiiwasan ang mga bagay na ito… kung kaya, kailangan pa ring ituloy ang buhay kahit anung hirap man ito… isipin mo na lang na bida ka sa isang teleserye… na pagkatapos ng napakahabang panahon na maranasan ang lahat ng hirap, problema at sakit… iikot din ang gulong ng buhay mo… na darating ang araw… magiging masaya ka na… magiging maayos din ang lahat… na may makakasama ka na… at kahit kailan hindi ka na mag-iisa….




One Response to “…wala lang…”

  1.   chi on March 6, 2009 3:09 pm

    hi! i agree. hirap no? iba iba tyo pero sometimes iisa ang pkiramdam. nice blog. anyway i saw your name in john’s blog. sinilip ko lng…musta na? i’ts been almost 15 years since high school…:-)

Comments RSS

Leave a Reply

Name (required)

Email (required)

Website

Speak your mind